Durog
Masama talaga ang pakiramdam niya ng araw na yun. Inilibot niya ang mata sa paligid na puting silid kung saan siya naroroon.
Maya-maya ay may lumapit sa kanyang nars. "Sir, inumin niyo na po itong medicine niyo." Tinulungan muna siya nitong makaupo sa kama bago inalalayang uminom ng gamot. Napatingin siya sa bintana at doon nakita ang mga batang masayang nagtatakbuhan at naghahabulan.
"K-Kumusta na kaya ang pamilya ko?" Tanong niya sa sarili. Napuno siya ng lungkot dahil sa na isip.
"Masaya na sila panigurado." Ipinakita nito ang magandang ngiti sa labi.
"S-Sana nga." Tiningnan niya ang kanyang mga paa sa nakatakip na kumot. "Gusto ko silang puntahan."
Umiling agad ang nars sa kanya. "Hindi pa po kayo tuluyang magaling. Kailangan niyo pa po ng pahinga." Mahinahon nitong sabi.
Pero hindi na siya napigilang gumulong mula sa kama at bumagsak sa sahig. Mabilis na tinulungan siya ng kasama.
"Isang aksidente ang nagyari sa Edsa kaninang madaling araw. Nagbanggaan ang isang kotse at isang truck... Dead on arrival ang dalawang babae--isang middle age woman at ang pitong taong bilang na bata, habang ang driver nito ay itinakbo agad sa ospital at kritikal.." Sabi sa telebisyon.
Yumuko siya at hinaplos ang kanyang mga binti. Wala na siyang paa. Nadurog iyon dahil sa aksidente.
Pero may parte ng katawan niya ang mas nadurog dahil sa trahedyang naganap--ang kanyang puso.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento