Sabado, Marso 26, 2016

Special Blog Post: His Untold Fairytale by UnfadingScars

(His Untold Fairytale)

Tangible And Undoubted by Valeen

In every part of you reminds me of him
Your face reflects his
Your smile are his
Your acts he does

The pain never been subsides
Not until when our lips meet
With synchronizing move
Tastes like sex and prejudice

Giving you my precious and trust
All you want is avenge
All I need is acceptance and forgiveness
You're all I want this time

Forget the menace and let's make love
Forget myself and flew with you
My heart shouts your name, wantonly
My flesh calls you, intimately

Numbing in your every tangible ways
I'm touching fire on you
Perceptible stares wanting for love
No doubt it is you all along

I ain't no perfect for you
I have all my flaws
I ain't no angel
I am a sinner

Past killed me but you made me alive
You were my illegal elixir
My only killer remedy
Yet rather to take than having myself dead

All I've ever wished is within you
All my amiss fades because of you
All my mistakes corrected
Will you believe my heart?

No one will ever be
Ever be the one
Not until you came
Showing me how good I am

Huwebes, Marso 10, 2016

Blog 03: Flash Story #2

Remote



"Akina." Sobrang sama na nang tingin nito sa kanya. Nakaupo ito sa katapat niyang sofa at paulit-ulit na sinasabi iyon.

Eto na naman sila. Nag-aaway sa walang kwentang bagay gaya ng remote na hawak niya. "Aanhin mo naman ito? Maaayos mo ba? Eh, kanina ko pa pinipindot pero hindi talaga gumagana! Nasira na siguro gaya nang pagkasira ng walang kwentang relasyon natin!" Tuluyan nang nagbagsakan ang kanyang mga luha.

Bumuntong-hininga lang ito. "Ibigay mo na ang remote. Di ba manonood ka pa?" Sabi pa ng kinakasama niya.

"Ano ba talaga!? Mas pipiliin mo pa ang remote na ito kesa pag-usapan ang away natin?" Puno na ng luha ang mga mata niya kaya't pinupunasan niya ang kanyang mukha.

Kumunot ang noo nito at biglang inagaw ang hawak niyang remote.

Mas lalo siyang napahagulgol dahil sa ginawa nito.

"Don't cry, babe." Binuksan nito ang lalagyan ng battery at inilabas ang singsing mula sa loob nito.

"Kaya pala hindi nagana." Lumapit ito at hinalikan ang pisngi niya. "Sabi ko kasi sayong ibigay mo ang remote, eh."

Binigyan niya ng ngiti ang lalaki.

Martes, Marso 8, 2016

Blog 02: Flash Story #1

 Durog



Masama talaga ang pakiramdam niya ng araw na yun. Inilibot niya ang mata sa paligid na puting silid kung saan siya naroroon.

Maya-maya ay may lumapit sa kanyang nars. "Sir, inumin niyo na po itong medicine niyo." Tinulungan muna siya nitong makaupo sa kama bago inalalayang uminom ng gamot. Napatingin siya sa bintana at doon nakita ang mga batang masayang nagtatakbuhan at naghahabulan.

"K-Kumusta na kaya ang pamilya ko?" Tanong niya sa sarili. Napuno siya ng lungkot dahil sa na isip.

"Masaya na sila panigurado." Ipinakita nito ang magandang ngiti sa labi.

"S-Sana nga." Tiningnan niya ang kanyang mga paa sa nakatakip na kumot. "Gusto ko silang puntahan."

Umiling agad ang nars sa kanya. "Hindi pa po kayo tuluyang magaling. Kailangan niyo pa po ng pahinga." Mahinahon nitong sabi.

Pero hindi na siya napigilang gumulong mula sa kama at bumagsak sa sahig. Mabilis na tinulungan siya ng kasama.

"Isang aksidente ang nagyari sa Edsa kaninang madaling araw. Nagbanggaan ang isang kotse at isang truck... Dead on arrival ang dalawang babae--isang middle age woman at ang pitong taong bilang na bata, habang ang driver nito ay itinakbo agad sa ospital at kritikal.." Sabi sa telebisyon.

Yumuko siya at hinaplos ang kanyang mga binti. Wala na siyang paa. Nadurog iyon dahil sa aksidente.

Pero may parte ng katawan niya ang mas nadurog dahil sa trahedyang naganap--ang kanyang puso.

Lunes, Marso 7, 2016

Blog 01: Dear You: Inggit Lang Yan!







Dear You,

Welcome To Envy!!



Marami talagang bagay sa mundo ang hindi natin masyadong pinagtutuunan ng pansin pero iyon lagi ang napapansin. Hindi ko alam kung bakit may mga malas sa buhay na hindi maalis-alis. Gaya na lang ng hindi mawala-walang inggit.

Minsan talaga, darating tayo sa point na maiinggit sa mga gawa ng iba kaya naiisipan na lang nating manira. Yung inggit na kakain sayo at eventually ay lalason sa isip at magtutulak para gumawa nang hindi dapat.

Isang halimbawa nito. Nakita mong marami siyang reader sa Wattpad at maraming follower. Kaya sa sobrang inggit mo ay siniraan mo na siya at kung anu-ano na ang nasasabi mo para lang mapasama siya sa iba. 

Ang tanong.. Na-satisfied ka ba? Hindi di ba? 

So, what the use? Ano bang naiisip mo at ganyan ang nagawa mo?

Written by: Goddess