Huwebes, Marso 10, 2016

Blog 03: Flash Story #2

Remote



"Akina." Sobrang sama na nang tingin nito sa kanya. Nakaupo ito sa katapat niyang sofa at paulit-ulit na sinasabi iyon.

Eto na naman sila. Nag-aaway sa walang kwentang bagay gaya ng remote na hawak niya. "Aanhin mo naman ito? Maaayos mo ba? Eh, kanina ko pa pinipindot pero hindi talaga gumagana! Nasira na siguro gaya nang pagkasira ng walang kwentang relasyon natin!" Tuluyan nang nagbagsakan ang kanyang mga luha.

Bumuntong-hininga lang ito. "Ibigay mo na ang remote. Di ba manonood ka pa?" Sabi pa ng kinakasama niya.

"Ano ba talaga!? Mas pipiliin mo pa ang remote na ito kesa pag-usapan ang away natin?" Puno na ng luha ang mga mata niya kaya't pinupunasan niya ang kanyang mukha.

Kumunot ang noo nito at biglang inagaw ang hawak niyang remote.

Mas lalo siyang napahagulgol dahil sa ginawa nito.

"Don't cry, babe." Binuksan nito ang lalagyan ng battery at inilabas ang singsing mula sa loob nito.

"Kaya pala hindi nagana." Lumapit ito at hinalikan ang pisngi niya. "Sabi ko kasi sayong ibigay mo ang remote, eh."

Binigyan niya ng ngiti ang lalaki.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento